Saturday, December 3, 2011

Ako ay Tubig

Kung ako ay iyong isang inumin, ako ay tubig. Alak o beer? Hindi ako yan. Oo, maaring gusto mo ito, at andyan ang alak sa araw ng pagsasaya ngunit kapag iyong ininom ito sa oras ng kalungkutan ay lalo ka lang malulungkot. Kape?? Hindi rin ako yan. Oo, ito’y pampagising pero hindi mo ito nanaisin sa anumang oras. Gatas? Pampalusog, mabuti sa katawan siguro pero hindi ako maaring maging isang gatas na bibihirang magustuhan. Softdrinks? Hindi rin. Exciting kung minsan lalo kung may masayang salo-salo pero sa sobrang tamis neto ay malamang hahanap ka pa rin ng pampawala ng iyong umay.
Sa tuwina ay iisa lang ang binabalik-balikan. Ang tubig na iyong hahanapin sa bawat oras kahit gaano na karami ang ibang bagay na nainom, mapa-kape, beer, juice, softdrinks, o gatas, tanging tubig lamang ang tiyak na papawi sa iyong uhaw. Kaya ako ay isang tubig para sa iyo. Simple, walang kulay pero klarong –klaro at tunay na pinakaimportante sa iyong buhay.